Wednesday, September 2, 2009

Frodo...

Napakasaya ng mga nagdaang araw, hehehe, ang sarap palang magbabad sa harap ng TV. Lalo na nung nanood kami ng Lord of the Rings.
Yep! Lord of the Rings. . . . .
6 years ago, sa room ng I-Sampaguita . . . . .
"Hwag yan! Lord of the Rings, kaboring kaya nyan!" sabi ko sa katabi ko.(Hindi ko maalala kung sino.)

Pero ngayon, nagsisisi ako kung bakit hindi ko agad pinanood yun. Napakaganda pala nung Trilogy na yun.
Sarap panuorin, super convincing pa yung Middle-Earth.
Hayyy, I was so inspired to write(again). And I do think I have a plot na, although medyo walang originality (kasi Harry Potter + Lord of the Rings + Irish Folklore ang thought), pero bakit hindi ako magtatry. I really wanted to write.

Pero I do think kailangan ko pa ng mas matinding inspiration at gamit. Kairita kasing mag handwriting kaya I prefer using computer(which is very at hand) - a private computer(patay tayo dyan). And kailangan ko talaga ng computer, kasi gagamit ako ng iba't ibang graphics suite para makagawa ako ng fictitious world(hindi kasi ako marunong mag manual drawing).
Computer donation? Anyone? -I was just kidding. Haha, In fact, ngayon ko lang gustong gumamit ng computer sa pagsusulat kasi I'm talking about a novel, not just a short story.

=The Snowflake Method=
Yan ang gagamitin kong method sa pagsusulat, meron na akong isang sentence na pinaka thought ng buong story. Which represents the most inner core of the snowflake. Phewwwww.
Madami pa akong tintang ipansusulat, wala ba ditong quick quills?
Nakz.

Gusto ko pang dugtungan ng dugtungan 'tong blog ko na 'to, hehehe.

Super na inspire and at the same time broken ako ng Lord of the Rings.
Why should Frodo leave the Shire and the Middle-Earth? Hayyy.
Kaya kailangan ko talagang basahin yung books. Pero magsisimula ako kay Bilbo Babbins.
The Hobbit muna, then the LOTR Trilogy and then the Silmarillion.

Favorite characters ko dun si Legolas and Frodo. Astig si Legolas, super archer! Si Frodo naman, he has a very good sense of determination.
Medyo disturbing lang yung fight scene nila sa gagamba, pero it's okay kasi alam ko namang walang ganun kalaking gagamba, that's a freak of nature kung meron nga.
I, again find happiness within the pages of the books I read, too indulged to the depths of imagination the authors imparts to me, kelan ko kaya makikita ang reality sa imagination na'to.

Well, gang dito nalang muna.

No comments: